Petron, New Oil Players nagtaas na rin ng presyo ng langis
October 29, 2002 | 12:00am
Nagtaas na rin ng P.30 sentimos sa presyo ng langis ang Petron Corp. at New Oil Players na inaasahang magbubunsod sa pagtataas ng mga presyo ng pangunahing bilihin sa bansa, singil sa pasahe, tubig, kuryente at iba pa.
Itoy matapos na maunang magtaas sa kahalintulad na presyo ang Caltex Philippines habang nakatakda na ring sumunod ang Shell Pilipinas.
Ang Petron at New Oil Players ay nagkaroon ng .30 sentimong dagdag sa presyo ng gasolina at kerosene habang 20 sentimo naman sa diesel.
Ipinaliwanag ni New Oil Players President Fernando Martinez na ang pagpapatupad nila ng pagtataas ng presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ay bunga na rin sa paiba-ibang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.
Sa panig naman ng Pilipinas Shell, sinabi ni Vice President for Corporate Affairs Bobby Kanapi na susunod din ito sa pagtaas sa presyo ng langis subalit hindi pa ito batid kung kailan ipatutupad.
Nakatakda namang magpulong ngayong araw ang mga matataas na opisyal ng Shell upang idetermina kung kailan ipatutupad ang adjustment subalit tiyak na kapareho din ito sa nauna nang hakbang ng iba pang kompanya ng langis. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended