OFW binistay ng bala

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi makaraang bistayin ng bala ng hindi pa nakikilalang salarin kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Dante Reyes, 39, nakatira sa Pilar VIllage, Fort Bonifacio, Taguig, at nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala, kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek matapos isagawa ang krimen.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Dennis Salopagio ng Criminal Investigation Division (CID), Taguig police, naganap ang insidente habang nakatayo ang biktima sa harap ng isang karinderya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments