Pumusta ng droga sa laban ni Pacquiao, tinodas
October 28, 2002 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang lalaki na posibleng nakaalitan sa pustang droga sa laban ni IBF champion Manny Pacquiao, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Siyam na tama ng baril na kalibre 45 ang agad na kumitil sa buhay ng biktimang si Razul Abdulah alyas Teng Tumbay, 27, tubong Maguindanao at nakatira sa Kasunduan Ext., Brgy. Commonwealth, Q.C.
Batay sa imbestigasyon ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi nang magkainitan umano ang biktima at ang suspek na pinaniniwalaang kakilala ng mga residente ng lugar.
Sa pahayag naman ng ilang mga residente, naririnig nila ang biktima at ang suspek na nagpupustahan sa laban ni Pacquiao at ng Thai na si Fahprakorb Rakkiatgym.
Posible umanong droga ang napagkasunduang bayad ng dalawa na hindi tinupad ng biktima kung kayat pinagbabaril ito ng suspek.
Bagamat nakuhang magtago ng biktima sa gate ng bahay ni Samuel Babon, 40, electrician ng 155 Kasunduan Ext., pinagbabaril pa rin ito ng suspek hanggang sa bumulagta.
Ayon kay SPO1 Dennis Basibas, posibleng droga ang motibo ng pamamaril dahil ang biktima ay may rekord na nakulong bunga na rin ng paglabag sa Dangerous Drugs Act noong nakaraang taon. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended