^

Metro

Bodega ng ilegal na kemikal, sinalakay ng DENR

-
Sinalakay kahapon ng umaga ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega ng kemikal na umano’y nagtatago ng illegal substance na nagkakahalaga ng P2.6 milyon.

Ayon kina DENR Secretary Heherson Alvarez at BOC Commissioner Antonio Bernardo, ang All Transport Network Warehouse sa Km.18 West Service Road, South Superhighway, Parañaque City ay naglalaman ng 29,835.20 kilo ng Genetron 12 Refrigerants o Chloroflucarbon-12 (CFC 12) na pag-aari ng EAC Chemical Phils.,Inc.

Nabatid na ang CFC ay Ozone Depleting Substance (ODS) na kadalasang ginagamit upang lumamig ang isang aircondition at refrigerator.

Sinabi ni Alvarez na hindi maaaring gamitin ang naturang kemikal dahil makakasama ito sa kalusugan kung hindi magagamit sa maayos na paraan.

Lumilitaw na ang ODS ay ipinagbabawal dahil malaki ang nagiging epekto nito sa balat at pangangatawan ng tao.

Sa katunayan umano, hindi na pinapayagan ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng ODS sa taong 2010 batay na rin sa napagkasunduan ng mga lider ng Motreal Protocol on Substances na nagpapanipis ng ozone layer.

Bukod dito na ang nasabing kumpanya ay walang lisensiya para mag-import ng CFC’s.

Maaari lamang mag-import ang CFC ng mga kemikal na hindi ODS alternative chemical tulad ng 404a, R-404a, HFC-125 at HFC-134a. (Ulat ni Doris Franche)

ALL TRANSPORT NETWORK WAREHOUSE

BUREAU OF CUSTOMS

CHEMICAL PHILS

COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DORIS FRANCHE

MOTREAL PROTOCOL

OZONE DEPLETING SUBSTANCE

SECRETARY HEHERSON ALVAREZ

SOUTH SUPERHIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with