Kasabay nito, sinabi ni Jose Marie Sarasola II, general manager ng Philippine National Railways na nagsimulang okupahin ng mga illegal settlers ang mga railroads nang magsara sila ng operasyon sa hilagang bahagi.
Ayon kay Sarasola, matagal na umano nilang ipinarating sa lokal na pamahalaan ang nasabing problema subalit patuloy ang mga itong nagbibingi-bingihan upang resolbahin ang problema sa mga squatters.
Aniya, matagal na umano nilang pinupuna ang problema pero binabalewala ito ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Base sa report, hindi nagawang palayasin ng mga lokal na opisyal ang mga squatters dahil kailangan nila ang boto ng mga ito sa tuwing magkakaroon ng halalan sa kanilang mga lugar. (Ulat ni Joy Cantos)