^

Metro

'Home along da riles' dumarami

-
Hindi umano sila ang dapat sisihin sa malalang problema sa presensiya ng naglipanang libu-libong mga squatters na illegal na naninirahan sa tabi ng mga riles ng tren kundi ang lokal na pamahalaan.

Kasabay nito, sinabi ni Jose Marie Sarasola II, general manager ng Philippine National Railways na nagsimulang okupahin ng mga illegal settlers ang mga railroads nang magsara sila ng operasyon sa hilagang bahagi.

Ayon kay Sarasola, matagal na umano nilang ipinarating sa lokal na pamahalaan ang nasabing problema subalit patuloy ang mga itong nagbibingi-bingihan upang resolbahin ang problema sa mga squatters.

Aniya, matagal na umano nilang pinupuna ang problema pero binabalewala ito ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Base sa report, hindi nagawang palayasin ng mga lokal na opisyal ang mga squatters dahil kailangan nila ang boto ng mga ito sa tuwing magkakaroon ng halalan sa kanilang mga lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

ANIYA

AYON

JOSE MARIE SARASOLA

JOY CANTOS

KASABAY

LOKAL

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

SARASOLA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with