^

Metro

'Bomba' tinanggihang amuyin ng K-9 dogs

-
Isang kakaibang 'bomba' ang natagpuan ng mga elemento ng San Juan Police kung saan maging ang mga K-9 dog ay umalma at tumangging amuyin ito.

Ang dahilan hindi tunay na bomba ang laman ng kulay itim na supot kundi "human bomb" o dumi ng tao.

Napag-alaman na pasado ala-1 ng hapon nang matagpuan ang nasabing plastic bag sa loob ng SSS building sa Blumentritt St., San Juan sa loob ng CR ng mga lalake.

Agad namang nagtungo doon ang SWAT team at inilabas ang naturang kulay itim na bag.

Inilapit dito ang bomb sniffing dog gayunman, tumanggi ang aso na amuyin ito, ni lapitan ay tumatanggi ito.

Dahilan sa kakaibang ikinilos ng K-9 dog kaya napilitan ang mga awtoridad na butasin ang plastic bag para malaman kung ano ang laman. Pagkatapos nito’y kakaibang "boom" ang bumulaga sa kanila dahil sa tuluyang pagsingaw ng mabahong amoy.

Nabatid na ang laman ng supot ay dumi ng tao. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BLUMENTRITT ST.

DAHILAN

INILAPIT

ISANG

JOY CANTOS

NABATID

NAPAG

PAGKATAPOS

SAN JUAN

SAN JUAN POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with