Magkapatid hinostage ng praning
October 25, 2002 | 12:00am
Dalawang paslit ang hinostage ng isang lalaki na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Nakilala ang magkapatid na biktima na sina Herminia, 10, at Christine Roxas, 5.
Samantala ang hostage taker naman na napasuko ng mga awtoridad ay nakilalang si Leuterio Painagan, 36, ng Grace Park, Caloocan City.
Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-9 ng umaga nang biglang pumasok sa Roque Compound, Napocor Village ng Brgy. Pasong Tamo, Quezon City ang suspect na armado ng dalawang kutsilyo.
Agad nitong hinablot ang dalawang paslit at saka hinostage upang ipananggalang sa umanoy mga taong humahabol sa kanya.
Tumagal ng halos 45 minuto ang ginawang negosasyon bago tuluyang sumuko ang suspect. Ligtas namang nabawi sa kamay nito ang magkapatid na biktima.
Malaki ang hinala ng pulisya na may diperensiya sa pag-iisip ang suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended