Ang panukalang batas bilang 5405 na inihain ni Gonzales ay halos katulad ng panukala ni (MMDA) chairman Bayani Fernando na armasan ang mga barangay tanod upang makatulong sa pulisya at militar laban sa terorismo.
Sa ilalim ng panukala ang barangay captain ay maaari lamang magdala sa loob lamang ng kanyang hurisdiksiyon at kapag may hinahabol na kriminal o "in hot pursuit."
Niliwanag ng panukalang batas na ang "hot pursuit" ay nangangahulugan na ang kapitan ay maaaring lumabas sa kanyang teritoryo at pumasok sa ibang barangay na hindi niya sakop na may dalang baril kung may hinahabol siyang taong may ginawang krimen.
Naniniwala ang mambabatas na bilang "forefront" sa pagbibigay serbisyo sa publiko sa local level, ang punong barangay ay kadalasang biktima ng krimen at pang-aabuso.
Bahagi na rin ng kanilang tungkulin ang pumagitna sa anumang simple hanggang grabeng alitan sa loob ng kanyang barangay.
Dahil na rin sa malaking gastos sa processing fees at kawalan ng oras para kumuha ng lisensiya, karamihan sa mga kapitan ay hindi nakakakuha ng permit o lisensiya. (Ulat ni Malou Escudero)