Ito umano ang inamin ng isa sa apat na suspect na nakilalang si Anding Adas, 29, makaraang madakip bunga ng pagpatay kay Nasser Baharan, 44, at finance officer ng OMA.
Ayon kay Adas, si Baharan ang umanoy utak sa tangkang pagpaslang sa kanya kamakailan. Ito rin umano ang utak sa pagpatay sa isa pang opisyal ng OMA na si Khakis Mikhunug, Deputy Executive Director ng OMA na binaril at napatay noong Setyembre 19 sa E. Rodriguez, Quezon City.
Subalit ayon sa pulisya hindi pa rin nila iniaalis ang anggulo na napag-utusan lamang si Adas ng isang mataas na tao upang likidahin ang isa pang opisyal ng OMA at napagkamalan ng mga ito si Baharan na noon ay sakay sa isang kulay pulang Nissan Sentra. (Ulat ni Doris Franche)