Sa kabila nang kasiguraduhang aani ito ng pagbatikos mula sa ibat ibang religious group , seryoso naman ang MMDA na isama ito bilang bagong prohibisyon sa listahan ng mga ilegal na aktibidad sa mga sidewalk.
Sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando, ang naturang hakbang ay bahagi ng kanilang sidewalk clearing operations na kanyang pinasimulan sa mga pangunahing lansangan sa metropolis.
Idinagdag pa nito, na sinang-ayunan naman ng Metro Manila Mayors Council, isang policy and law making body ng MMDA na binubuo ng 17 mga alkalde sa Metro Manila ang naturang pagba-ban.
Bukod umano sa nakakaistorbo sa mga lansangan ang ganitong aktibidad, ay ginagamit din ito ng ilang sindikato upang makapanloko ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapanggap na sila ay nangangaral ng salita ng Diyos, subalit ang intensyon ay makalikom ng pera. (Ulat ni Lordeth Bonilla)