Ginang itinulak ng pasahero mula sa bus dahil sa bomb scare
October 22, 2002 | 12:00am
Isang ginang na nasugatan matapos itulak ng kanyang mga kapwa pasahero na nagpanik sa isang bus kahapon ng umaga sa Quezon City ang nagtungo sa Central Police District-Traffic Enforcement Unit sector upang magsampa ng reklamo matapos siyang mahulog sa Royal Star bus na may plakang PXW-127.
Si Rosalinda Sanija, 40, tubong Negros at nakatira sa 1245 Pook dela Paz, Diliman, QC ay nagtamo ng mga galos at pasa sa kamay at hita.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO2 Jerry Flores, dakong alas-5:45 ng umaga sa panulukan ng EDSA at Kamuning habang sakay ng nasabang bus ang biktima patungo sa Cubao ng bigla umanong umusok ang likurang bahagi ng bus. Sa pag-aakalang sasabog, nagkagulo at nagtalunan ang mga pasahero.
Nagulat na lamang si Sanija ng may biglang tumulak sa kanya papalabas ng bus.
Ayon naman sa driver ng bus na si James Bamachea, 29, umusok ang kanyang bus dahil na rin sa kawalan ng brake fluid.
Nagkaroon umano ng friction ang mga kable ng bus na naging sanhi ng pag-usok nito.
Samantala, dahil sa takot na masabugan, nagpanic ang mga pasahero sa inakalang bomba ang isang nakabalot ng leather na naiwanan sa likuran ng Alabang Transport Bus Corp. na may plakang PWR-235 kahapon ng umaga sa Lawton, Manila.
Ang nasabing bus ay galing sa Alabang subalit pagdating sa Lawton ay biglang nagsigawan ang mga pasahero ng mapuna nila ang isang supot sa likuran ng sasakyan.
Dali-daling tumawag ng mga pulis ang driver na si Dario Gaplo, 32, at ng suriin ng mga miyembro ng Explosive and Ordnance Division ay coffee jug lamang pala ito.
Sa NAIA, nabulabog ang mahigit 600 empleyado ng isang bodega ng Bureau of Customs makaraang makatanggap ng tawag sa telepono na may nakatanim na bomba sa loob ng gusali ng Peoples Air Cargo at Phil. Airport Ground Service, dakong 1:45 ng hapon.
Matapos ang mahigit 2 oras na pagsuyod ng mga awtoridad sa building ay saka idineklarang safe ang gusali.
Nabulabog din kahapon ang klase ng mga mag-aaral sa dalawang elementary school sa Mandaluyong City at San Juan makaraang makatanggap ng bomb threats.
Nagkaroon ng stampede sa pagsugod ng nagsisipag-panic na mga magulang para sunduin ang kanilang mga anak.
Nawasak umano ang padlock ng gate ng magtulakan sa pag-uunahan ang nagsisipagpanic na mga magulang habang ang iba naman ay nagtalunan na sa bakod upang kunin ang kanilang mga anak.
Kapwa sinuspinde ang klase sa Pedro Cruz Elem. Schools sa San Juan at Mandaluyong. Negatibo rin ang nasabing mga bomb threat. (Ulat nina Doris Franche/ Butch Quejada/ Grace dela Cruz at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended