Balikbayan, 2 Kano dinukot ng 2 escort na pulis
October 22, 2002 | 12:00am
Isang balikbayan at dalawang American national ang iniulat na dinukot umano ng dalawang pulis sa Ermita, Manila, kamakalawa ng gabi.
Ang mga dinukot ay nakilalang sina Liwa Dela Cruz, 38, isang balikbayan at ang mga dayuhang sina Catherine Smith at Christine Scoths, na pansamantalang nanunuluyan sa Heritage Hotel sa Pasay City.
Nabatid mula sa report ng Special Operation Group (SOG) naganap ang insidente dakong alas- 7 ng gabi sa may Arroceros, Manila.
Ayon sa salaysay ni Lhea June dela Cruz, kapatid ng balikbayang si Liwa na tumawag umano sa kanya ang kanyang kapatid kasama ang dalawang kaibigang Amerikana bago ang insidente. Sinabi umano ng kanyang utol na lulan sila ng isang kulay cream na Toyota Hi-Ace na may plakang WNU-522 at patungo sila sa Sta. Cruz at nagpalit sila ng dollar.
Binanggit pa umano nito na kasama nila ang dalawang pulis na nagsisilbi nilang escort na sina PO2s Norberto de Guzman at Ricardo Asuncion, kapwa nakatalaga sa WPD-Station 9.
Subalit makalipas ang ilang oras na paghihintay na makabalik ang kanyang kapatid ay isang lalaki ang tumawag sa kanya sa cellphone kung saan sinabi sa kanya na "Humihingi lang kami ng kaunting yaman. Kailangan lang namin ng tig-isang milyong piso bawat isa sa kanila".
Agad na nagtungo si Lhea sa Station 9 upang i-report ang insidente kung saan nakausap niya si SPO4 Domingo Almeda na nagsabi sa kanya na wala silang pulis na nagngangalang PO2s De Guzman at Asuncion.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended