^

Metro

EDSA explosion ginamitan ng C4 at TNT

-
Malaki ang paniniwala ng Central Police District na C4 o TNT ang ginamit na bomba sa pagpapasabog ng Golden Highway Transit noong Biyernes ng gabi sa EDSA, Quezon City.

Ayon kay CPD Spokesman Chief Insp. Bart Bustamante, ang dalawang bomba ang siyang may kakayahan na makapatay at makasugat dahil sa impact o lakas ng pagsabog nito.

Lumilitaw sa imbestigasyon na umaabot sa ilang metro ang layo ng naabot ng pagsabog ng bus. Mula Distilleria Limtuaco hanggang Royal sa EDSA, QC.

Sinabi ni Bustamante na ang mga nakuhang sharpnel ay isinasailalim ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa chemical at laboratory analysis.

Nabatid kay Bustamante na kailangan sumailalim sa masusing pagsusuri ang mga narecover na piraso sa crime scene upang matukoy kung suicide bomber ang namatay o ordinaryong sibilyan lang.

Samantala, nakatanggap ng tawag ang Criminal Investigation Unit hinggil sa posibleng pagkakakilanlan ng dalawang biktima ng pagsabog. Ang mga ito ay posibleng kilalanin sa pamamagitan ng marking sa katawan.

Nakakuha din ng mga diploma at transcript of records ang pulisya sa crime scene. Kinukumpirma pa ng pulisya kung sino ang may-ari nito.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pangamba ang mga Muslim na sila ang pagtuunan ng sisi ng mga naging pagsabog sa Metro Manila. Anila, natatakot din sila na maging fallguy sa nagaganap na karahasan sa bansa. (Ulat ni Doris M. Franche)

vuukle comment

BART BUSTAMANTE

BUSTAMANTE

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS M

GOLDEN HIGHWAY TRANSIT

METRO MANILA

MULA DISTILLERIA LIMTUACO

QUEZON CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with