^

Metro

Pulis binugbog, sinaksak ng 9 miyembro ng BSDO

-
Isang pulis ang sinaksak at pinagbubugbog ng siyam na abusadong miyembro ng Barangay Security and Development Officer (BSDO) kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Si SPO3 Solomon Sanchez, 39, at ngayon ay nakatalaga sa Camp Crame, ng Blk. 35, Lot 45, North Fairview Subd., QC ay nagtamo ng saksak sa kanang braso at mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni Chief Insp. Leslie Castillo ng Station Investigation and Intelligence Division ng Fairview Police Station 5, isa pa lamang sa siyam na BSDO ang nadakip at ito ay nakilalang si Alejandro Bondax.

Kagagaling lamang ni Sanchez sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan nang ipasya nito dakong alas-3 ng madaling-araw na umuwi.

Nasa tapat na siya ng nasabing subdivision nang sitahin ng mga BSDO si Sanchez. Subalit sa kabila ng kanyang pagpapakilala at pagpapakita ng ID, sapilitan siyang isinakay sa tricycle kung saan narinig niya ang mga itong nag-uusap.

Nang marinig na siya ay isa-salvage, nanlaban siya sa mga BSDO subalit sinaksak siya ng isa sa mga ito at saka pinagtulungang gulpihin.

Ang suspect na si Bondax ay sinampahan ng serious physical injuries at frustrated homicide. (Ulat ni Doris M. Franche)

ALEJANDRO BONDAX

BARANGAY SECURITY AND DEVELOPMENT OFFICER

CAMP CRAME

CHIEF INSP

DORIS M

FAIRVIEW POLICE STATION

LESLIE CASTILLO

NORTH FAIRVIEW SUBD

QUEZON CITY

SANCHEZ

SOLOMON SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with