Nakilala ang dinakip na suspect na si Faustino Chingkoe, chairman of the board of directors ng Chingkoe Group of Companies.
Nabatid mula sa isinagawang imbestigasyon ng NBI Anti Graft Division sa pamumuno ni Leopoldo Andrada na ang suspect ay isa sa pangunahin sa nabanggit na tax credit scam na una nang inimbestigahan ng Department of Finance.
Ang nasabing kompanya din umano ang nagsagawa ng halos 50 porsiyento ng pekeng tax credit certificates na ini-isyu ng one-stop-shop ng DoF na nagkakahalaga naman ng P5 bilyon.
Magugunita na marami na ring opisyal ng DoF ang sinibak sa puwesto ng tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa pag-iisyu ng tax credit certificate. (Ulat ni Grace dela Cruz)