Suspect sa multi-billion peso tax credit scam, tiklo
October 18, 2002 | 12:00am
Dinakip ng mga elemento ng NBI ang principal suspect sa multi- billion peso tax credit scam, kahapon sa Quezon City.
Nakilala ang dinakip na suspect na si Faustino Chingkoe, chairman of the board of directors ng Chingkoe Group of Companies.
Nabatid mula sa isinagawang imbestigasyon ng NBI Anti Graft Division sa pamumuno ni Leopoldo Andrada na ang suspect ay isa sa pangunahin sa nabanggit na tax credit scam na una nang inimbestigahan ng Department of Finance.
Ang nasabing kompanya din umano ang nagsagawa ng halos 50 porsiyento ng pekeng tax credit certificates na ini-isyu ng one-stop-shop ng DoF na nagkakahalaga naman ng P5 bilyon.
Magugunita na marami na ring opisyal ng DoF ang sinibak sa puwesto ng tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa pag-iisyu ng tax credit certificate. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am