Kinilala ni SPO4 Leonardo Timtiman, hepe ng homicide section ng Makati City Police ang biktimang si Amorie Enriquez, 26, binata, ng Arellano St., Barangay Palanan ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, dakong alas-12 kahapon ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakatali ang leeg at nakasabit sa ten-wheeler truck na nakaparada sa panulukan ng Arellano at Filmore St., Barangay Palanan.
Wala namang makuha pang ulat ang pulisya kung ano ang posibleng dahilan nito kung ito nga ay nagpakamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)