2 dalagita dinukot ng fraternity
October 17, 2002 | 12:00am
Dalawang high school students ang pinaniniwalaang dinukot ng isang fraternity matapos ang kanilang klase sa Quezon City.
Nakilala ang mga biktima na sina Joan Tenero, 14 at Jossel Nirona, 14. Ang dalawa ay kapwa estudyante ng San Bartolome High School.
Sa inisyal na ulat ni SPO2 Rizal Floresca ng Kingspoint Police Community Precint-CPD Station 4 noon pang nakalipas na linggo iniulat ang biglaang pagkawala ng dalawang dalagita.
Itinuturo namang responsable umano sa pagkawala ng mga ito ay sina Michael Jaban, alyas Banong; isang alyas Walter at Danny na umano ay pawang mga miyembro ng 69 Fraternity sa nabanggit na lugar.
Nakasaad sa reklamo ng mga magulang ng biktima na inakala lamang nila na may pinuntahan ang kanilang mga anak kasama ang mga kaibigan subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa lumilitaw ang mga ito.
Nabatid pa sa ulat na hinihikayat ng grupo ang dalawang dalagita na sumanib sa kanilang fraternity.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng operasyon ang pulisya para matunton ang kinalalagyan ng mga biktima. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended