^

Metro

Utol ni Ex-Senator Enrile inireklamo sa pamumukpok ng baril

-
Nahaharap sa kasong serious physical injuries ang veteran actor na si Chito Ponce Enrile, kapatid ni dating Senador Juan Ponce Enrile makaraang akusahan ng isang delivery truck driver na umano’y namukpok ng baril sa kanyang ulo makaraang magtalo sila sa parking space sa Mandaluyong City.

Dumulog kahapon sa Mandaluyong City Police ang biktimang si Adelo Estog, 35, ng Sitio Pinagkaisahan, Muntinlupa City.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas- 10 ng umaga kamakalawa sa harap ng Anglo Hardware sa may Brgy. Kalentong, Mandaluyong City.

Ayon sa biktima kahapon lamang umano siya nagreklamo sa pulisya dahilan sa kinailangan pa niyang ipagamot ang tinamo niyang sugat sa ulo.

Sinabi ng biktima na minamaniobra niya ang kanyang sasakyan para iparada sa harapan ng nasabing hardware nang komprontahin siya ng aktor.

Nairita umano ang aktor dahilan sa ginawa niyang pagpaparada sa minamaneho niyang van malapit sa sasakyan nito bunsod upang sumikip ang espasyo ng nasabing parking space.

Nagkaroon umano sila nang pagtatalo kung saan ay agad na bumunot ng baril ang beteranong aktor at pinukpok ito sa kanyang ulo. Hindi pa ito nakuntento at inulit pa ang pamumukpok.

Nalaman na lamang umano niya ang pangalan ng aktor dahil sa kakilala ito ng may-ari ng nasabing hardware.

Hindi naman agad nakuha ang panig ng aktor kung siya nga ang binabanggit ng complainant. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ADELO ESTOG

ANGLO HARDWARE

AYON

CHITO PONCE ENRILE

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MUNTINLUPA CITY

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

SITIO PINAGKAISAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with