Engineer natagpuang patay sa loob ng taxi
October 16, 2002 | 12:00am
Isang mechanical engineer ang natagpuang patay sa loob ng isang taxi, kahapon ng umaga sa Malakas St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.
Kinilala ni SPO2 Ramon Fernandez ng CPD- Criminal Investigation Unit (CIU) ang biktima na si Hernando Agacid, 35, may-ari ng Vizcaya Machine Shop ng Brgy. Quirino Solano, Nueva Vizcaya.
Batay sa imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6 ng umaga sa loob ng Sturdy Taxi na may plakang NYT-126 na minamaneho ni Marlon de Guzman na sinasabing mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Nakumpirma ang pangalan ng driver mula sa dispatcher ng JME transport na si Leoncio Carandang.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni Fernandez na posibleng nabundol ng suspect ang biktima dahil sa nakitang may bangga ang unahang bahagi ng taxi, habang ang biktima naman ay nagtamo ng malalim na sugat sa ulo at galos sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng dadalhin ng suspect sa pagamutan ang biktima at isinakay na ito sa taxi, subalit natakot ito ng mabatid na hindi na humihinga ang huli.
Malabo ang anggulong robbery dahil nabawi sa nasawi ang dalawa niyang PRC ID, singsing at pitaka na naglalaman ng P18,000. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended