^

Metro

Informer ng pulis itinumba

-
Isang binata na nagbibigay umano ng impormasyon sa pulis laban sa mga drug pusher at user ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang di-kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nakikipagsugal sa kanilang lugar, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Navotas.

Hindi umabot ng buhay sa Navotas Lying-In Clinic sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril ang biktimang si Ricardo Garganta, 22, umano’y informer ng Drug Enforcement Unit ng Navotas police station at nakatira sa Int. Champaca, San Roque, Navotas.

Base sa ulat ni PO3 Noel Banarez, ang insidente ay naganap di-kalayuan sa bahay ng biktima sa naturang lugar dakong alas-5:30 ng hapon.

Nabatid na kasalukuyang nagsusugal ang biktima kasama ang ilang kapitbahay nang biglang sumulpot ang dalawang suspect na parehong armado ng baril at kaagad na pinagbabaril ang nasawi bago mabilis na nagsitakas.

Napag-alaman mula sa ilang kalugar ng biktima na marami na umano itong itinurong mga drug pusher at user sa pulisya at malamang na paghihiganti ang motibo sa naganap na insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

DRUG ENFORCEMENT UNIT

ISANG

NABATID

NAPAG

NAVOTAS

NAVOTAS LYING-IN CLINIC

NOEL BANAREZ

RICARDO GARGANTA

ROSE TAMAYO

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with