^

Metro

Customs collector sa NAIA nagbitiw

-
Nagbitiw sa tungkulin bilang Bureau of Customs (BoC) district collector ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Celso Templo.

Sinabi ni Templo na "loss of confidence" ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang dahilan ng kanyang pagbibitiw matapos itong sabunin ng chief executive sa isang command conference na isinagawa sa Malacañang noong nakalipas na Sabado.

Inamin ni Templo na uminit ang ulo ng Pangulong Arroyo dahil sa patuloy na pagbagsak ng collection ng BoC partikular na sa kanyang nasasakupan ang NAIA district at ng Port of Manila.

Ayon kay Templo, bumagsak ng 14 percent ang revenue collection ng BoC-NAIA simula noong Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan, bunga ng walang pumapasok na importasyon at 60 percent ng revenue collection naman ang apektado dahil sa tariff reduction rate bunga na rin ng mga executive orders na ipinalabas ni Pangulong Arroyo.

Ayon sa isang source, habang ipinaliliwanag ni Templo ang mga dahilan ng pagbagsak ng revenue ay biglang nagalit ang Pangulo at sinigawan ang una sa harap ng ibang opisyal.

Si Templo na itinalaga ni dating Pangulong Joseph Estrada bilang NAIA district collector noong 1998. Taong 1969 noong unang pumasok si Templo sa NAIA bilang detective. (Ulat ni Butch Quejada)

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CELSO TEMPLO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PORT OF MANILA

TEMPLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with