Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) director Sr. Supt. Antonio Cruz, tinanggal sa MMRC si Vio, samantalang kasalukuyang iniimbestigahan ang mga jailguards na sina JO2s Jay Pilapil, Joseph Villegas at Danilo Ontenillas.
Ang kasong administratibo ay iniharap na sa intelligence and investigation division ng BJMP, samantalang ang kasong kriminal naman ay nakasampa pa sa Taguig City RTC.
Binanggit pa ni Cruz na posible ding matanggal sa serbisyo si Vio at tatlong jailguards dahil sa lantarang kapabayaan ang ipinakita ng mga ito nang makatakas ang magkapatid na sina Iting Sailami, alyas Mid star at Anni Sailami, alyas Alib Sailami na nagsuot ng damit na pambabae kung saan mata lamang nila ang nakikita.
Inamin din ni Cruz na nagpabaya ang tatlong jailguards dahil pinayagan ng mga ito na pumasok sa selda ng dalawa ang tatlong babae na nakasuot ng itim na damit. (Ulat nina Doris Franche at Danilo Garcia)