^

Metro

Warden, 3 guwardiya kinasuhan sa pagtakas ng mag-utol na Sayyaf

-
Sinampahan na ng kasong administratibo at kriminal sina Metro Manila Rehabilitation Center (MMRC) Jailwarden Supt. Romeo Vio at tatlo nitong jailguards na nakatalaga nang maganap ang pagtakas ng dalawang miyembro ng Abu Sayyaf sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig noong Sabado.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) director Sr. Supt. Antonio Cruz, tinanggal sa MMRC si Vio, samantalang kasalukuyang iniimbestigahan ang mga jailguards na sina JO2’s Jay Pilapil, Joseph Villegas at Danilo Ontenillas.

Ang kasong administratibo ay iniharap na sa intelligence and investigation division ng BJMP, samantalang ang kasong kriminal naman ay nakasampa pa sa Taguig City RTC.

Binanggit pa ni Cruz na posible ding matanggal sa serbisyo si Vio at tatlong jailguards dahil sa lantarang kapabayaan ang ipinakita ng mga ito nang makatakas ang magkapatid na sina Iting Sailami, alyas Mid star at Anni Sailami, alyas Alib Sailami na nagsuot ng damit na pambabae kung saan mata lamang nila ang nakikita.

Inamin din ni Cruz na nagpabaya ang tatlong jailguards dahil pinayagan ng mga ito na pumasok sa selda ng dalawa ang tatlong babae na nakasuot ng itim na damit. (Ulat nina Doris Franche at Danilo Garcia)

ABU SAYYAF

ALIB SAILAMI

ANNI SAILAMI

ANTONIO CRUZ

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

CRUZ

DANILO GARCIA

DANILO ONTENILLAS

DORIS FRANCHE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with