^

Metro

Utak sa pyramid scam, 11 pa arestado

-
Dinakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang utak sa umano’y operasyon ng pyramid scam kasama ang 11 nitong tauhan, kahapon ng tanghali sa Padre Faura, Ermita, Manila.

Kinilala ni Senior Inspector Virgilio Bacarra, hepe ng warrant section ng WPD ang mga suspect na sina Col. Ricardo Sison, sinasabing namumuno sa grupo; Emilia S. Sison; Lorna Bosque; Marilou Cabalo; Mirasol Aguilar; Tanie Pabustan; Primitivo San Pascual; Vilma Benitez; Elizabeth Cervera; Willian Sison; Mimosa Zamudio at Ireneo Sison Jr.

Ayon kay Bacarra, dakong alas-12:20 ng umaga ng arestuhin ang mga suspect habang papalabas sa compound ng DOJ dahil sa kagagaling lamang ng mga ito sa isang pagdinig sa isa pa ring kaso ng estafa.

Ang pag-aresto sa mga suspect ay alinsunod na rin sa reklamo ng ilan sa mga nabiktima ng grupo na sina Ret. Col. Navarro at Col. Velasco.

Dinakip din ang mga ito batay sa arrest warrant na ipinalabas ni QC Regional Trial Court Judge Jose Paneda.

Base sa sumbong, naglagak umano ang mga biktima ng malaking halaga sa grupo ng mga suspect bilang investment sa negosyong networking.

Nabatid na patung-patong na umano ang kasong estafa na kinasasangkutan ng mga suspect kung kaya’t inirekomenda ng prosekusyon na hindi maaaring makapaglagak ng piyansa ang mga ito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

DINAKIP

ELIZABETH CERVERA

EMILIA S

IRENEO SISON JR.

LORNA BOSQUE

MARILOU CABALO

MIMOSA ZAMUDIO

MIRASOL AGUILAR

PADRE FAURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with