Ayon kay Antonio Rex Chan, vice president for operation ng BCDA, ang dalawampung pamilya na pawang mga squatter na pinangungunahan ni Lt. Col. Romeo Daclan ay binigyan ng 30 araw na notice para kanilang baklasin ang umanoy mga iligal na istraktura na itinayo sa naturang lugar.
Nabatid na ang taning na araw ay magtatapos sa darating na Oktubre 18, ng taong ito at ang nasabing lugar ay gagamitin sa isang joint-venture project sa pagitan ng BCDA at ng Fort Bonifacio Development Corporation (FBDC).
Ang 30 araw na notice na ibinigay sa mga illegal squatter ay base sa nakasaad sa Republic Act 7279, Urban Development and Housing Act ng 1992. Napag-alaman na ang lupaing may 2,190 square meter ay pag-aari ng BCDA (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)