'Jeffrey Santos' kinasuhan sa aktong pamamaril
October 14, 2002 | 12:00am
Isang 15-anyos na binatilyo ang personal na nagtungo sa himpilan ng WPD-General Assignment Section upang ipagharap ng reklamo si Jeffrey Santos na nanggulpi at bumaril sa kanyang hita kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Mark Joseph Malit, residente ng 611 Pacheco St., ng nasabing lugar.
Samantalang ang suspek na kapangalan ng aktor ay may ranggong PO1 at nakatalaga sa WPD-Civil Disturbance Unit.
Ayon sa naging salaysay ng biktimang si Malit sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa Franco St., ng nasabing lugar.
Nagtungo umano siya sa bahay ng kanyang kaibigang nagngangalang Edmund na nakatira malapit sa bahay ni PO1 Santos.
Kung saan ay naaktuhan niya ang kanyang kaibigang si Edmund na sumisinghot ng rugby na inagaw niya ang bote at inihagis sa kalsada.
Habang dinadampot niya umano ang nabasag na bote ay biglang lumabas si Santos at tinanong siya kung sino ang nagbasag noon.
Agad naman umano siyang nagpaliwanag ngunit sa halip na pakinggan siya ay bigla siya nitong hinawakan sa leeg at saka nilagyan ng posas sa kamay at pinagsusuntok kasabay ng pagpapahayag ng kayang-kaya siyang patayin nito at halagang P20,000 lang ang buhay niya. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest