^

Metro

Pulis mamatyagan ang kapwa pulis

-
Upang mabawasan ang korapsyon sa hanay ng pulisya, ipinanukala kahapon ng isang mambabatas na pamatyagan sa isang bagong pulis ang isang dating pulis.

Ang panukala ay ginawa ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada kay Phil. National Police chief Director General Hermogenes Ebdane.

Naniniwala ang mambabatas na makabubuti at makakatulong ang ganitong sitwasyon upang maiwasan na magkaroon ng kutsabahan sa ilegal na gawain ng mga ito.

Ayon pa kay Lozada, chairman ng House Committee on Foreign Relation na hindi maikakaila ni Ebdane na limang porsyento sa PNP personnel ay sangkot sa kidnapping, drug trafficking, illegal gambling, highway robbery, murder at extortion.

Idinagdag pa nito na hindi sapat na kumpirmahin lamang ni Ebdane kung sino ang mga pinaghihinalaang sangkot sa ganitong mga ilegal na aktibidades sa halip kailangan umanong gumawa ng paraan kaugnay sa nasabing sitwasyon.

Dahil dito, inirekomenda ng mambabatas kay Ebdane na bumuo ng battalion-sized unit na kinabibilangan ng mga bagong recruit na siyang magsasagawa nang pagkilala at mangangalap ng ebidensiya laban sa mga pinaghihinalaang police scalawags. Ito umano ay makakahalintulad ng internal affairs department ng United State police. (Ulat ni Malou Escudero)

APOLINARIO LOZADA

AYON

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

EBDANE

FOREIGN RELATION

HOUSE COMMITTEE

MALOU ESCUDERO

NATIONAL POLICE

NEGROS OCCIDENTAL REP

UNITED STATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with