Ayon sa mga opisyal ng Western Police District (WPD), walang naiulat na nasaktan subalit malaking pinsala sana ang nangyari sakaling nakapag-trigger ito ng apoy sa masikip na pamayanan ng 1739 Mabini St., Malate, Manila.
Binalewala naman ni WPD-District Director Sr. Supt. Pedro Bulaong ang nabanggit na pagsabog na naganap dakong 6:00 ng umaga at ayon sa kanya ay nananakot lang ang may kagagawan sa nasabing insidente.
Pinaghihinalaan naman ng pulisya ang isang umuupa ng kuwarto sa compound ng pamilya Uy na matagal nang nakagalit nito dahil na rin sa utang sa upa ng apartment ang siyang may gawa nito.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng WPD-Explosive Ordinance, isang buthane na ikinabit sa bala ng isang rifle grenade na nakalagay naman sa ilalim ng tangke ng tubig ang sumabog.
Ang buthane ay hindi nag-trigger ng pagsabog mula sa bala ng rifle grenade kayat hindi ito nagdulot ng malaking pinsala sa buhay at mga residente. (Ulat ni Grace dela Cruz)