5 pulis na sangkot sa 'salvage' pinasusuko
October 12, 2002 | 12:00am
Sisibakin sa puwesto bilang hepe ng CPD-Galas Police Station si Supt. Armando Amparo kung hindi nito ihaharap ngayong Sabado ang limang pulis ng Drug Enforcement Unit na sinasabing nag-salvage at sumunog sa isang lalaki na natagpuan sa loob ng drum noong Miyerkules ng madaling araw sa Mindanao Ext., Regalado Avenue, Fairview, Quezon City.
Ayon kay CPD director Senior Supt. Napoleon Castro, hanggang ngayon na lamang ang kanyang taning kay Amparo upang ilitaw ang mga sangkot na pulis ng DEU matapos na kilalanin ng pamilya ang bangkay ng biktima na si Chris Gonzales ng M. Cuenco St., Brgy. Sta Teresita, Quezon City.
Hinihikayat din ni Castro ang pamilya ng biktima na magharap ng kaukulang kaso laban sa mga pulis na sangkot sa insidente kasabay nang paniniyak na hindi sila dapat mangamba dahil sa pagkakalooban sila ng sapat na seguridad.
Matatandaan na ang bangkay ay natagpuan na putul-putol sa loob ng drum na nakabalot sa kurtina.
Nakilala ang biktima sa kanyang suot na chaleco. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended