Tsinoy trader dinukot sa Pasig
October 12, 2002 | 12:00am
Dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng bigtime kidnap-for-ransom syndicate ang isang mayamang negosyanteng Filipino-Chinese habang nagjo-jogging sa loob ng isang sementeryo sa Pasig City, kahapon ng umaga.
Kinilala ang kidnap victim na si Antonio Tan, 52, hardware owner at naninirahan sa #19 Stella Maris, Brgy. Maybunga, Pasig City.
Ayon sa imbestigasyon ng Pasig City Police ang pagdukot sa biktima ay naganap dakong alas-7 ng umaga sa loob ng Evergreen Cemetery na matatagpuan sa Raymundo Avenue, Brgy. Caniogan ng nabanggit na lungsod.
Ang insidente ay inireport sa mga awtoridad ng kaibigan ng biktima na kasama nito sa pagja-jogging na si Salvador Sandoval.
Base sa salaysay ni Sandoval sa pulisya, masaya umano silang nagjo-jogging ng kanyang kaibigan nang bigla na lamang sumulpot ang limang armadong kalalakihan at sunggaban ang biktima.
Ang biktima ay puwersahang isinakay ng mga suspect na armado ng .45 cal pistols sa isang kulay asul na Hyundai van na may plakang XAT- 194.
Nabatid na halos tapos nang mag-jogging ang biktima at hinihintay na lamang ang sundo nitong sasakyan ng maganap ang pagkidnap.
Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am