Police informer itinumba habang nagbibilyar
October 11, 2002 | 12:00am
Isang umanoy informer ng police ang iniulat na binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang unay naglalaro ng bilyar kahapon ng madaling araw sa Novaliches, Quezon City.
Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Abulais Lao Carasigan, 32, ng Marawi City at pansamantalang nanunuluyan sa San Roque Market Highway, Sta. Monica ng nasabi ding lungsod bunga ng tinamong apat na tama ng bala ng baril sa katawan.
Base sa imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Billiard Hall na pag-aari ni Normie Madayao Stanbil sa Sarmiento Ext., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.
Nabatid na naglalaro ng bilyar ang biktima kasama ang kaibigang si Cannid Tarunan nang biglang pumasok ang hindi nakikilalang lalaki na armado ng cal.45 baril.
Walang sabi-sabing pinaputukan nito ang biktima nang malapitan at pagkatapos ay mabilis na tumakas.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa isinagawang pagpaslang, gayunman maaari umanong pinagkamalan ng suspect na police asset ang nasawi na siyang nagti-tip sa mga awtoridad sa mga aktibidades ng sindikato ng droga. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended