Si Alex dela Cruz, 32, ng 73 E. Jacinto St., Doña Aurora, Quezon City ay nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib at ngayon ay ginagamot sa Delos Santos Medical Center.
Pinaghahanap naman ang suspect na si Rodrigo de Leon Cruz, ng nasabi ring address na tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Sa pahayag ng asawa ng biktima, katatapos lamang nilang mag-almusal dakong alas-7:30 ng umaga nang sitahin ng kanyang asawa si Rodrigo dahil sa umanoy pagdya-jumper nito ng kuryente na naging dahilan sa muntikan nang pagkakasunog sa kanilang lugar.
Nagalit ang suspect kung kayat biglang sinaksak ang kanyang asawa sa dibdib. (Ulat ni Doris Franche)