Berdugong amasona, nasakote
October 9, 2002 | 12:00am
Muling nakapuntos ang militar laban sa New Peoples Army (NPA) makaraang masakote sa isinagawang operasyon ang isa sa mataas na opisyal nito na isang amasona at sangkot sa pamamaslang sa daan-daan nilang miyembro at mga sibilyan.
Iprinisinta kahapon ni AFP Chief of Staff General Benjamin Defensor kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Camp Aguinaldo ang rebeldeng si Miel Gracilla Laurenaria, dating miyembro ng Central Committee ng CPP-NPA.
Si Laurenaria ay nadakip sa Maypajo Market sa Dagat-dagatan, Caloocan City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Candelaria, Quezon Municipal Trial Court at Lucena City Regional Trial Court sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Tinatayang higit sa 60 katao ang dinukot ng grupo ni Laurenaria at may 600 katao naman ang iniulat na ipinapatay nito. Kabilang sa mga ipinalikida nito ay ang mga kaanib nila sa kilusan, gayundin ang mga sibilyang hinihinala nilang DPA at sympathizers ng pamahalaan.
Ang grupo nito umano ang naatasan ng pamunuan ng CPP-NPA para magsagawa ng Operation Missing Link.
Base sa rekord, si Laurenaria ay umanib sa NPA noong 60s at naging aktibo noong 70s kung saan naging NPA Special Courier sa Bicol Region at naging regular party member sa Bicol Regional Party Committee. Nahalal din ito bilang Central Committee member ng CPP-NPA noong 1998.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest