Pabuya sa magbabalik sa nawawalang K-9 ng SWAT
October 8, 2002 | 12:00am
May pabuyang naghihintay sa sinuman na makapagbabalik sa bomb-sniffing dog ng Caloocan City Special Weapons and Tactics (SWAT) na nawala sa kanyang kulungan ilang araw na ang nakakaraan.
Ayon kay Jojo Rodis, isang beterano sa paghawak sa mga K-9 at siya ring owner/handler ni "PO2 Sarah," ang 2-anyos na brown Belgian Malinous, na eksperto sa pag-amoy sa mga bomba at mainstay sa SWAT bomb squad na ang naturang babaeng aso ay nawala sa pagitan ng 12:30 hanggang ala-1:30 ng hapon noong nakalipas na Huwebes sa loob ng kulungan nito sa Bagumbong, Caloocan City.
Sinabi pa ni Rodis na iniwan niya ang aso sa pangangalaga ng tatlong junior police officers.
Binanggit pa ni Rodis na si Sarah ay mabilis na maibebenta sa halagang P1 milyon, dahil na rin sa katalinuhan na taglay nito lalo na nga sa pag-amoy sa mga bomba.
Matapat umano ito sa sinumang nag-aalaga sa kanya.
Si Sarah, ayon pa kay Rodis ay isa lamang sa 30 aso na nasa kanilang pangangalaga na labis na nakakatulong sa mga operasyon ng pulisya. (Ulat ni Jerry Botial)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended