^

Metro

Hostage drama sa Parañaque, pulis patay

-
Isang pulis ang iniulat na nasawi nang makipagbarilan ito sa isa sa dalawang lalaking nangholdap sa isang pampasaherong jeep at nang masukol ng pulisya ay nang-hostage ng 11-anyos na batang babae kahapon sa Parañaque City.

Sa sketchy report ni Police Supt. Agapito Pelaez Jr., commander ng Police Community Precinct (PCP) 2, Parañaque City police, patay na nang idating sa pagamutan ang biktima na kinilala lamang sa pangalang PO2 Cervantes, hindi pa batid kung saang himpilan ng pulisya ito nakatalaga.

Nilalapatan naman ng lunas sa Parañaque Community Hospital ang sugatang suspect na nakilalang si Dodie Ciriaco, 17, tubong Bicol at residente ng Merville, Pasay City matapos itong magtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita nang makipagbarilan sa mga awtoridad.

Ayon kay Supt. Pelaez, naganap ang insidente dakong alas-4:45 kahapon ng hapon sa harapan ng Gatchalian Subd., Brgy. San Dionisio, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagpanggap na pasahero ang suspect kasama ang isa pang lalaki nang holdapin nila ang isang pampasaherong jeep. Nagkataon namang namataan sila ni Cervantes at nakipagbarilan ito sa mga suspect na ikinasawi nito. Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ni Supt. Pelaez at nakipagbarilan ito kay Ciriaco. Dahil nagipit ang suspect mula sa pampasaherong jeep na hinoldap, hinostage nito ang biktimang si Joanna May Bartolome, taga-Fortunata Village ng lungsod na ito. Gayunman, nasukol pa niya ang suspect at nabawi ang hinostage nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AGAPITO PELAEZ JR.

COMMUNITY HOSPITAL

DODIE CIRIACO

FORTUNATA VILLAGE

GATCHALIAN SUBD

JOANNA MAY BARTOLOME

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PELAEZ

POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with