^

Metro

Umambus sa 3 pulis, sindikato ng droga

-
Isang big-time drug syndicate ang nakikitang may kinalaman sa pananambang sa tatlong pulis at isang informer, kamakalawa ng tanghali sa Atis St., Payatas, Quezon City.

Ito ang lumalabas sa isinagawang follow-up investigation ng CPD intelligence unit, kasabay ng pahayag na hindi NPA ang nang-ambus sa mga awtoridad.

Ayon kay Chief Insp. Rudy Jaraza, hepe ng DPIU, isang nagngangalang Boy Muslim ang napatay sa follow-up operation na isinagawa ng mga awtoridad sa hide-out ng grupo sa isang squatter’s area sa Quezon Avenue, kamakalawa ng gabi.

Nagkaroon ng habulan ang mga awtoridad at ang grupo at isang kanal ang sinasabing nilusutan ng mga suspect mula sa Lung Center patungong Wildlife.

Napatay sa naganap na engkuwentro si Boy Muslim, habang isang nagngangalang Asmin na lider ng grupo at isang Rodel ang nakatakas.

Ang grupong ito ang sinasabing may kinalaman sa pananambang kina Insp. Jacinto Basilio, SPO4 Lorenzo Basilio, SPO3 Miguel Gayuga na pawang nakatalaga sa CPD Station 6 at ang police asset na kinilala lamang na Oliver noong nakalipas na Sabado.

Nabatid na ang grupo ni Boy Muslim ay sangkot sa bentahan ng droga sa naturang lugar at may kinalaman din sa serye ng patayan.

Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas pang mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

ATIS ST.

BOY MUSLIM

CHIEF INSP

DORIS FRANCHE

ISANG

JACINTO BASILIO

LORENZO BASILIO

LUNG CENTER

MIGUEL GAYUGA

QUEZON AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with