^

Metro

Mister binoga sa masamang tingin

-
Dahilan sa masamang ipinukol na tingin, isang tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang 24-anyos na laborer nang paputukan ito ng isang di-nakikilalang salarin nang magsalubong ang mga ito habang papauwi ang biktima kahapon ng madaling araw sa lungsod Caloocan.

Dead-on-arrival sa Martinez General Hospital ang biktimang si Chito Din, may-asawa, stay-in helper ng EUG Freight Services Incorporated na matatagpuan sa Dagat-Dagatan Avenue Center corner Tawilis Street, Dagat-Dagatan.

Nagpalabas naman ng manhunt operation si Sr. Supt. Benjardi Mantele, Caloocan City Chief of Police, sa kanyang mga tauhan laban sa di-nakikilalang suspek na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat ni PO2 Edgar Manapat, may hawak ng kaso, dakong alas-4:55 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Landasca Street at Dagat-Dagatan Avenue, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Nabatid, papauwi umano ang biktima sa kanyang tinutuluyang kumpanya nang makasalubong nito ang suspek na mayroong mga kasama kung saan ay biglang napatingin si Din sa di-nakikilalang salarin.

Diumano, minasama ng suspek ang pagkakatingin ng biktima sa kanya kung kaya’t walang sabi-sabing binunot nito ang nakasukbit na kalibre .45 at pinaputukan si Din na tinamaan sa dibdib na duguang humandusay.

Agaran namang isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima kung saan hindi ito umabot ng buhay habang mabilis namang tumakas ang salarin sa di nabatid na direksiyon.

Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa naganap na insidente at inaalam kung may nakakita ng pangyayari at nakakilala sa suspek. (Ulat ni Rose l. Tamayo)

BENJARDI MANTELE

CALOOCAN CITY CHIEF OF POLICE

CHITO DIN

DAGAT-DAGATAN

DAGAT-DAGATAN AVENUE

DAGAT-DAGATAN AVENUE CENTER

EDGAR MANAPAT

FREIGHT SERVICES INCORPORATED

LANDASCA STREET

MARTINEZ GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with