Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-12:15 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa mga kabahayan sa isang squatters area sa may ilalim ng tulay sa may Brgy. Sta. Cruz, Araneta Avenue ng nasabing lungsod.
Ayon sa mga residente, bago sumiklab ang apoy ay isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig mula sa isang bahay matapos ay agad na kumalat ang apoy dahil na rin sa dikit-dikit ang mga kabahayan doon.
Naapula ang apoy mga bandang ala-1:28 ng hapon bagamat nahihirapan ang mga pamatay-sunog na makapasok sa lugar.
Kinukumpirma pa rin sa ulat ang tungkol sa isang 80-anyos na matandang nawawala na hinihinalang na-trap sa naturang sunog. (Ulat ni Ellen Fernando)