Naasar sa sipol, obrero kinatay
October 7, 2002 | 12:00am
Isang laborer ang maagang nakipagkita kay kamatayan matapos itong burdahan ng saksak sa katawan makaraang mapikon ang dalawang lalaki sa kanyang pagsipol sa Navotas kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na patay na ng idating sa Tondo Medical Center ay nakilalang si Ericson Avon, 24, may-asawa at residente ng #12 North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing bayan.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Daniel Ferrer, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa kahabaan ng Road 10, Talisan St., North Bay Boulevard North (NBBN), Navotas.
Kasalukuyan namang pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na agad na tumakas matapos ang insidente.
Nabatid na kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima sa naturang lugar habang sumisipol ito ng paborito niyang kanta nang masalubong ang dalawang suspek.
Una umanong sinita ng mga suspek ang pagsipol ng biktima ngunit hindi ito pinansin ni Avon hanggang sa mapikon ang dalawang salarin at bigla na lamang bumunot ng kutsilyo ang mga ito at pagtulungang saksakin ang nasawi.
Matapos ito, agad na nagsitakas ang mga suspek sa hindi pa mabatid na lugar habang mabilis namang isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit dahil sa dami ng tinamo nitong saksak sa katawan ay hindi na rin ito nagawa pang iligtas.
Napag-alaman pa sa pulisya, sinabi umano ng ilang nakasaksi na ilang beses na rin na nangursunada ang mga suspek sa nasabing lugar sa tuwing may makikita ang mga itong dayo sa kanilang nasasakupan. (Ulat ni Rose l. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest