2 parak inambus, patay
October 7, 2002 | 12:00am
Dalawang Quezon City policeman ang nasa kritikal na kondisyon, isa ang nakaligtas at isang sibilyan ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ang mga ito at pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki kahapon ng tanghali sa Quezon City.
Ang mga biktima na pawang nakatalaga sa Batasan Police Station 6 ay kinilalang sina Insp. Jacinto Basilio na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at SPO4 Lorenzo Basilio, na nagtamo naman ng tama ng bala sa mukha at bibig at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center (EAMC).
Nasa malubha ring kalagayan ang isa nilang asset na nakilala lamang sa pangalang Oliver na nagtamo rin ng malubhang tama ng bala sa kanyang katawan.
Sa inisyal na report, dakong ala-1:15 ng tanghali nang maganap ang insidente habang lulan ang mga biktima ng kanilang owner type jeep, kasama ang isa pang pulis na si SPO3 Miguel Gayuga sa may Atis Payatas B, Quezon City.
Lumalabas na kasalukuyang nakahimpil ang sasakyan ng mga biktima nang bigla na lamang umanong lumapit ang isang lalaki na armado ng improvised shotgun at pinaputukan ang mga biktima.
Dalawang putok umano ang pumailanlang kung saan tinamaan sa ulo si Jacinto at tinamaan naman sa bibig si Lorenzo.
Matapos ang ginawang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi pa batid na direksyon.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa naganap na pananambang. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 15, 2025 - 12:00am