Electrician hulog sa hagdan, patay
October 7, 2002 | 12:00am
Isang electrician ang agad na binawian ng buhay matapos na mahulog sa isang hagdan sa loob ng isang opisina sa isang hotel na kanilang nire-renovate, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.
Patay na nang isugod sa Medical City Hospital ang biktimang nakilalang si Jesse Cabante, 29, may-asawa at residente ng #168 Sampaloc, Caloocan City.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na isang tawag ang natanggap nila dakong alas-7:15 ng umaga buhat sa security guard ng Medical City ukol sa pagkasawi ni Cabante.
Nabatid sa mga kasamahan ng biktima na sina Noel del Rosario at Rolly Ormodia na naganap umano ang pagkahulog ng biktima dakong alas-3:45 ng madaling araw kung saan nag-o-overtime sila ng trabaho.
Pilit umano nilang tinatapos ang renobasyon ng opisina ng Alfa 1 Telecoms sa may 5th floor ng Podium bldg. sa may #18 ADB Avenue, Ortigas Center.
Bigla na lamang umanong nahulog sa may tatlong metrong taas na hagdan si Cabante at patay na ito nang kanilang daluhan kung saan hawak ng biktima ang kanyang dibdib.
Agad nila itong isinugod sa pagamutan kung saan nabatid na hindi naman umano sa pagkahulog nasawi ito dahil sa nagtamo lamang ito ng galos sa kanyang siko at hita. Hinihinala na maaaring inatake ito sa puso dahil sa sobrang pagod at kawalan ng tulog. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest