Wendell Ramos pinaa-annul ang kasal

Hiniling ng aktor na si Wendell Ramos sa Quezon City Regional Trial Court na ideklarang null and void ang kanyang tatlong taon nang kasal sa kanyang asawa bunga na rin ng pagiging selosa, possesive at insecure nito.

Sa kanyang isinumiteng nullity of marriage, sinabi ni Ramos na mainstay ng gag show na ‘ Bubble Gang’ at residente ng Better Living Subdivision, Parañaque na psychologically incapacitated ang kanyang asawang si Margarita Magdangal.

Sina Ramos at Magdangal na umano’y staff ng variety show na Eat Bulaga ay ikinasal noong Enero 28, 1999 ni QCRTC Judge Justo Sultan.

Nagsimula ang kanilang relasyon nang magkakilala ang dalawa noong 1998 habang nagpa-practicum si Magdangal sa ‘Eat Bulaga’ at nagte-taping naman si Ramos sa ‘Bubble Gang’.

Buwan ng Enero nang tuluyang maghiwalay ang mag-asawa dahil tumitindi nilang pag-aaway na ayon kay Ramos ay sanhi ng matinding pagiging selosa ni Magdangal.

Inaakusahan din umano siya ni Magdangal na may homosexual affairs sa mga bakla sa showbusiness.

Magugunitang inuugnay si Ramos kay Pia Pilapil, subalit itinatanggi naman nito. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments