Sa kanilang reklamo, sinabi ng DENR employees, kasong administratibo ang nais nilang isampa kay Alvarez bunsod ng anilay katiwalian na ginagawa nito sa pamamalakad sa ahensiya.
Partikular na inireklamo ng mga empleyado ang kuwestiyonableng pagkuha umano ni Alvarez ng sobrang daming consultant, gayong hanggang 13 lamang ang pinapayagan ng pamahalaan.
Malaking halaga umano ng pondo ang nasasayang sa pamahalaan dahil lamang sa pagpapasuweldo sa mahigit 50 consultant na kinuha ni Alvarez na dapat anilay ang pondong ito ay ipamamahagi na sa mga unpaid benefits ng ahensiya para sa mga empleyado.
Umaasa rin ang naturang mga empleyado na agad kikilos hinggil dito ang PAGC dahil ang kahalintulad na kaso na kanilang isinampa sa Ombudsman ay hindi pa rin naaaksyunan.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Alvarez na hindi ang DENR ang nagbabayad sa sobrang consultant ng tanggapan kundi ang mga dayuhan na may foreign-assisted projects sa ahensiya. (Ulat ni Angie dela Cruz)