Supplier ng armas ng NPA, arestado
October 5, 2002 | 12:00am
Nasakote kahapon ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Phil. Air Force ang tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang supplier ng armas ng New Peoples Army (NPA).
Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang tatlong nadakip na sina Ramon Villarca, 48; Mario Matic, 62, at Vic Garcia, 50.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspect makaraang makatanggap ng impormasyon ang NBI tungkol sa umanoy pagsu-supply ng matataas na kalibre ng mga nadakip sa grupo ng mga rebeldeng NPA na nakabase sa Central Luzon.
Bukod dito, binanggit pa na ang tatlong suspects ay responsable rin sa serye ng panghoholdap sa mga bus, jewelry shops at convenient stores.
Nasamsam sa mga ito ang matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng anim na .45 cal., armalites, anim na shotguns at ibat ibang uri ng magazines at mga bala. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am