"Nananawagan po ako sa Pangulo na tulungang huwag nang mabitay pa ang aking misis," pahayag pa nito.
Sa madamdaming pagtatagpo ng dalawa, buong higpit na niyakap ni Jerry ang suspect na si Rosalinda kasunod nito ang paghalik sa labi kasabay ng pagtatanong na; "Bakit mo nagawa iyon sa ating mga anak?"
Lumuluha ring sumagot si Rosalinda ng "Nasaan ka nang kailangan ka ng ating mga anak?"
Taliwas sa inaasahan ng lahat ng mga sumaksi sa pagtatagpo ng dalawa, imbes na si Rosalinda ang humingi ng tawad, ang mister nitong si Jerry ang siyang naglulupasay na humingi ng patawad.
"Bakit ngayon ka lang dumating, huli na ang lahat, kung hindi mo kami iniwan, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Wala na sila Jerlyn ar Jaypee, " panunumbat ni Rosalinda sa mister nito.
Pinabulaanan din ni Jerry na iniwan niya ang kanyang mag-iina, kasabay ng pagsasabing grabe umano ang naging sakit niya sa balat at kaya siya lumayo ay para hindi na mahawa pa ang kanyang pamilya.
Sa huli, sinabi ni Rosalinda na pinatatawad niya ang kanyang asawa, subalit siya (Rosalinda) sa panig ng kanyang mga natitirang anak ay hindi siya mapatawad. (Ulat ni Rose Tamayo)