Bigtime drug lord, timbog

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bigtime drug lord sa isinagawang operasyon sa Grand Boulevard Hotel sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila.

Nakilala ang nadakip na si Jerome Go, na nasamsaman ng kalahating kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana at 100 piraso ng ecstasy.

Una ng napabalita na si Go umano ang itinuro ng apat na estudyante ng De La Salle University na hinuli kamakailan na siyang nagsu-supply sa kanila ng shabu ecstasy.

Dakong alas-8 ng umaga kahapon ng isagawa ang operasyon makaraang bumaba si Go sa kanyang sasakyang Honda Civic sa may parking area ng nasabing hotel Ilang minuto pa ay isinagawa na ang operasyon laban dito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

Show comments