Ang mga kaso ay isinampa laban kay Rosalinda Piloneo-Estodillo, 43, ng Bagong Silang, Caloocan City habang ito ay isinasailalim pa sa psychiatric test.
Nabatid sa pulisya na sakaling mapatunayan umano na may sakit ito sa pag-iisip posibleng mabalewala rin ang kasong kinakaharap nito at sa halip ay sa National Center for Mental Health na lamang ito ilalagak.
"Hanggang hindi pa lumalabas ang resulta sa pagsusuri sa kanyang pag-iisip ay pansamantala muna siyang ikukulong," ayon kay Supt. Dionicio Borromeo ng Caloocan City police.
Magugunitang pinatay sa sakal ni Rosalinda ang kanyang mga anak na sina Jaypee, 11 at Jerlyn, 9, habang ang isa pa na si Jemma ay masuwerteng nakawala at nakatakas sa na-praning na ina.
Sinasabing matinding kahirapan ang dinadanas ng pamilya at maaaring dahil sa matinding gutom kaya bumigay ang pag-iisip nito. (Ulat ni Rose Tamayo)