^

Metro

2 parricide isinampa vs inang killer ng 2 anak

-
Sinampahan na kahapon ng kasong double parricide at frustrated parricide ng mga tauhan ng Caloocan City police ang isang ina na pumatay sa kanyang dalawang supling at tangka pang pagpaslang sa isa pa matapos na ma-praning dahil sa sobrang kahirapan at gutom, kamakalawa.

Ang mga kaso ay isinampa laban kay Rosalinda Piloneo-Estodillo, 43, ng Bagong Silang, Caloocan City habang ito ay isinasailalim pa sa psychiatric test.

Nabatid sa pulisya na sakaling mapatunayan umano na may sakit ito sa pag-iisip posibleng mabalewala rin ang kasong kinakaharap nito at sa halip ay sa National Center for Mental Health na lamang ito ilalagak.

"Hanggang hindi pa lumalabas ang resulta sa pagsusuri sa kanyang pag-iisip ay pansamantala muna siyang ikukulong," ayon kay Supt. Dionicio Borromeo ng Caloocan City police.

Magugunitang pinatay sa sakal ni Rosalinda ang kanyang mga anak na sina Jaypee, 11 at Jerlyn, 9, habang ang isa pa na si Jemma ay masuwerteng nakawala at nakatakas sa na-praning na ina.

Sinasabing matinding kahirapan ang dinadanas ng pamilya at maaaring dahil sa matinding gutom kaya bumigay ang pag-iisip nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DIONICIO BORROMEO

HANGGANG

JAYPEE

JEMMA

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

ROSALINDA PILONEO-ESTODILLO

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with